Saturday, December 23, 2006

JC Kids



Sinabi ni Jesus “Let the little children come to me, and do not hinder them, for the kingdom of heaven belongs to such as these.” – Matthew 19:14.

Maliwanag na nais ni Jesus lumapit ang mga bata sa Kanya at hindi dapat hadlangan ang paglapit nila sapagkat sa mga bata ang kaharian ng langit. Gayun din naman pinagsabihan din ang mga matatanda sa atin na ganito ni Jesus, “I tell you the truth, unless you change and become like little children, you will never enter the kingdom of heaven.” – Matthew 28:3.

Kailangan din maging gaya tayo ng bata sa pagtitiwala kay Jesus sapagkat kung hindi, hindi tayo makapapasok sa kaharian ng langit kung tayo’y magmamarunong at mag-aatubili sa pananalig kay Jesus. Ito ang mga dahilan kung bakit mayroon JC KIDs sa Tagalog fellowship.

JC means Jesus Christ Kids. Ito’y pormal na naitatag sa pangunguna nina Chato Ng, Susan Ku, Shirly Kaw, Nely Shih, katulong nila din sina Lynne Masunca, at kasama ang mga magulang ng mga bata, noong 2006.

May magagandang gawain para sa mga bata gaya ng pag-aaral ng Biblia, palarong may kahulugang spiritual, Bible Games at iba pa. Kailangan pa rin ng mga tutulong upang maitaguyod ang mga bata sa Panginoong Jesus. Ang gawain ng JC kids ay ginagawa sa Taipei American School tuwing Linggo ng hapon alas dos hangang alas kuartro ng hapon.


SEE MORE OF THEIR PICTURES