Sunday, December 25, 2011

Ang Pasko by Jesus on the Air Ministry

Pagkatapos ng labing isa sa buwan ng taon
Masaya nating salubungin ang buwan ng Disyembre
Sa araw ng Pasko ating gunitain
Propesia ni Isaiah ating damhin.

Sa bayan ng Betlehem sa Jerusalem
May mag asawa na si Maria at Jose
Si Maria nagdadalang tao, ang ginamit ng banal na Espiritu
Upang ipanganak ang sanggol na si Jesu Kristo.

Luwalhat ng Diyos ay nagniningning
Hukbo ng kalangitan nagpupuri sa Diyos na isinilang
Pagkat ipahayag na ang katotohanan
Nagdudulot ng malaking kagalakan

Siya’y hinahanap ng mga pantas at naglakbay
Isang tala ang kanilang gabay
Hanggang sumapit sa kinaroroonan ni Jesus
Sila’y nagsamba at naghandog sa anak ng Diyos.

Dinala ang sanggol upang ialay sa Panginoon
Nakatlaga panganay na lalaki ayon sa kautusan
Lumaki si Jesus karunungan ay pospos
Sumasakanya kagandahan ng loob ng Diyos.

Pasko panahon ng pagbabago
At magmamahalan tayong mga Kristiyano
Dapat magbibigayan at magbabatian tayo
Upang masaya ang araw na ito.

Pag-asa ay hatid sa bawat isa
Sa hindi pa nagbabago may pagkakataon pa
Kung ano mang ginawang kasalanan
Nawa’y humingi na ng kapatawaran.

Tunay na diwa ng Pasko isa buhay natin
Upang makamtan ang pagpapalang wagas
Katahimikan at pag-ibig ay maranasan
Galing  sa Diyos na kataas-taasan

Ipahayag natin ang Kanyang kabutihan
Upang sa gayon siya’y maluwalhatian
Sa Kanyang mga gawa dapat papurihan
Dahil sa kanya ang buong karangalan.

Itong munting tula Jesus on the Air ang may akda
Ito’y aming ginawa para sa Diyos at madla
Kami’y bumati maligayang Pasko
At manigong Bagong taon sa inyong lahat.