
Ang W.D.I ay isang ministry ng Tagalog fellowship, na kung saan ang grupo ay naghahandog ng sayaw para sa ating Panginoon. Sa pamamagitan ng iba't ibang galaw ay naiexpress namin ang mensahe ng worship songs. Marami ng sayaw ang nailay namin para sa Panginoon, iba't ibang istilo na rin ang nalikha ng W.D.I gaya ng hip hop, hawaiian, hand mine, interpretative dance, at rap.
Ang W.D.I ay binubuo ng mga sumusunod Anjay Labiano, Blessita Baliga, Teresa Gania, Shirly Ann Kaw, Milliard Tabares, Roland Rillera, Justin Ryan Kaw at ang inyong lingkod Jordan Tatlong hari.
Binuo ang W.D.I upang mahikayat ang mga tao na magpuri sa Panginoon sa pamamagitan ng pagsayaw.Dati ang pagsasayaw ay ginagamit ko sa walang kabuluhan, ngayon sa pagtawag sa akin ng Panginoon ang pagsasayaw ay ginagamit ko na para Siya ay aking purihin.
Kaya mga kapatid kung nais ninyong maging bahagi ng W.D.I tawagan nyo lang ang numerong ito 0988495437 at sama sama tayong magpuri sa ating tagapagligtas, Jesu Cristo!